ROTC

Pang. Duterte, sinertipikahang urgent bill ang mandatory ROTC Bill

National News

Sumulat na si Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Senado para agad ipasa ang panukalang batas para gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa grade 11 and 12 sa public at private education institutions.

Sa kanyang liham kay Senate President Tito Sotto na may petsang Hunyo 3, sinabing certified as urgent na ang Senate Bill No. 2232 o ang panukalang batas para gawing mandatory na ang rotc.

Ito ay para maibalik ang Basic Military and Leadership Training sa mga kabataan at mapaigting ang kanilang sense of nationalism o pagmamahal nila sa bayan.

Matatandaang nitong May 20 pa nang ipasa ng Kamara ang bersyon nila ng naturang panukalang batas.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *