Ilang bahagi ng bansa

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa ITCZ at localized thunderstorms

Regional

Makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ito ay dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorms.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Palawan, Visayas at Mindanao bunsod ng ITCZ.

Posible naman ang pag-ulan sa hapon o gabi sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng flash floods at landslides sa kasagsagan ng pag-ulan.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *