Advisory Council Summit

Kauna-unahang Advisory Council Summit ng EPD, isinagawa sa San Juan City

Metro News

Isinagawa ng Eastern Police District ang kauna-unahang Advisory Council Summit nito sa Club Filipino, San Juan City.

Nagtipon-tipon ang mga district director ng San Juan, Pasig, Marikina at Mandaluyong kasama na ang ilang kinatawan ng akademya, judiciary, religious group, business sector, mga sibilyan at iba pa.

Layon ng advisory council na makamit ang layunin nito sa ilalim ng Patrol Plan 2030 o Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding Rule of Law.

Sa mga lugar na sakop ng EPD, bumaba ang crime index sa lungsod ng 5% mula sa 2,503 na naitala noong 2017 kumpara sa 2,377 noong katapusan ng 2018.

Bumaba rin ang street crime ng 10% mula sa 302 na naitala noong 2017 sa 272 noong nakaraang taon.

Tumaas naman ang arrest rate ng EPD ng 30% mula sa 1,693 mga nahuli noong 2017 sa 996 na mga nahuli noong 2018.

Positibo naman si EPD Director Bgen. Christopher Tambungan na makakakuha sila ng mga ideya at suhestyon kung paano mas magiging ligtas ang distrito sa pamamagitan ng advisory council.

 

Ulat ni: William Valencia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *