Luzon Grid

Luzon grid, inilagay sa yellow at red alert ngayong araw

Regional

Manipis na naman ang reserba ng kuryente ngayong araw.

Dahil dito, muling inilagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid mula alas 9:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon at mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon.

Naka-red alert naman ang grid mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na ang available capacity ng kuryente sa Luzon ay 11,393 megawatts habang ang peak demand ay 11,117 megawatts.

Nito lamang Martes nang huling inilagay sa yellow alert ang grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *