senador

Mga Committee Chairmanships na posibleng hawakan ng mga bagong senador, inilahad

National News

Inilahad ni Senador Sherwin Gatchalian ang ilan sa mga Senate committees na positibong hahawakan ng mga bagong halal na senador ngayong 18th Congress.

Batay sa mga napag-usapan sa meeting ng super majority sa bahay ni Senador Manny Pacquiao kagabi, sinabi ni Gatchalian na hahawakan ni Senator-Elect Bong Go ang Commmittee on Health, Committee on Public Order and Dangerous Drugs kay Senator-Elect Ronald Dela Rosa at Committee on Local Government naman kay Francis Tolentino.

Hindi naman maalala ni Gatchalian kung anong komite ang ibibigay kay Senator-Elect Imee Marcos bagama’t naroon ito sa meeting kagabi.

Mananatili naman raw ang mga komiteng hinahawakan ngayon ng mga incumbent senators at napagkasunduang ipaiiral ang Equity of the Incumbent sa pagbibigay ng mga committee chairmanships.

Sa huli, tiniyak ni Gatchalian na mayorya ng mga senador ang nagpahayag ng suporta na manatili si Senate President Tito Sotto III bilang Senate President sa 18th Congress dahil sa dami ng nagpahayag ng suporta na manatili ito sa pwesto.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *