sigarilyo

Mga naninigarilyo sa QC, pabor na buwisan na ang sigarilyo

Metro News

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para tuluyan nang maisabatas ang pagtataas ng buwis ng sigarilyo sa bansa.

Ilan sa mga residente sa Quezon City ay aprubado na ang nasabing hakbang.

Anila, mainam na ito para makaiwas sa sakit.

Umani ng paborableng tugon mula mismo sa mga naninigarilyo ang nakaambang pagtataas ng buwis sa sigarilyo.

Anila, mahalaga ang hakbang upang maiwasan na ang problema ng epekto ng sigarilyo sa katawan ng tao .

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *