SULU

Mga sugatang sundalo sa Sulu na nakipagbakbakan sa mga Abu Sayyaf, pinarangalan

National News

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang matalik na kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga sundalong nasugatan sa Jolo, Sulu.

Maliban kay Pastor Apollo, naroon din sina Defense Chief Delfin Lorenzana, Sen. Bong Go na bumista sa nasabing 15 sugatang sundalo na naka-confine ngayon sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo.

Binigyan din ng medalya ng punong ehikutibo ang mga sundalo dahil sa ipinakita nilang katapangan habang nakipag-bakbakan sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.

Ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan ang 11 sundalo.

Ang Kampilan ay isa sa mga 4 na medalya sa ilalim ng Order of Lapu-Lapu, at ito ay ibinibigay sa mga tao na lubhang nasugatan o nagtiis ng pagkawal ng mga kagamitan sanhi ng kanilang pakikipagkaisa sa kampanya o adbokasiya ng pangulo.

Sa isa pang programa, ginantimpalaan din ni Pangulong Duterte ng gold cross medal ang 7 sundalo dahil sa kanilang katapangan sa mga operasyon ng militar.

Sa isang pananalita para sa mga sundalo, sinigurado ni Duterte sa tropa na si Duterte ay kasama nila sa panahon ng pangangailangan.

 “Sa panahon na kailangan ninyo ang inyong commander-in-chief to be with you, beside you, and to die with you, nandito ako sa mga panahon na ‘yan,” – President Rodrigo Duterte

Samantala, nagbigay din ng mensahe ng inspirasyon si Pastor Apollo sa mga sundalo.

Ipinakilala rin ni Pangulong Duterte si Pastor Apollo kay Sulu Governor Sakur Tan.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *