death penalty

Pagbasura ng Kamara sa death penalty, nirerespeto  

National News

Matapos ibasura ng Kamara ang panukalang death penalty, ay sinabi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) Region XI na nirerespeto nila ang naging desisyon ng mga mambabatas.

Ayon kay PMajor Jason Baria, ang spokesperson ng PRO XI, na naka depende umano sa bigat ng kasalanan ang ipinapataw na kaso laban sa mga suspect.

Dagdag rin nito na gagawin umano nila ang kanilang makakaya upang mapigilang maka diskarte ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen sa rehiyon.

“What is the voice of the people also is the voice of the house… kung hindi lumusot ang death penalty..nirerespeto natin un, pero we are here to ensure that these criminal minds will be thwarted. — PMajor Jason Baria

Sa kabilang banda naman, sinabi ni Mempin na patuloy parin ang pagdagsa ng mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno kapalit ang mga benepisyong hatid ng pamahalaan sa kanila.

“The exodus of mass surrender of rebel returnee continues…availing the government assistance of free housing, cash assistance and livelihood assistance,…. and many more so tuloy-tuloy parin ang kanilang pag surrender. “

—BGeneral Nolasco Mempin, Commander, 1003rd IB

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *