Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Regional

Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa huling tala ng PAGASA Hydrology Division kaninang 6:00 ng umaga, bumaba pa sa 166.50 meters ang water level sa Angat.

Nabawasan ito ng .49 meters mula sa 166.99 meters kahapon ng umaga.

Bahagya ring bumaba ang tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 68.76 meters mula sa 68.79 meters kahapon.

Samantala, nabawasan din ang water level sa lahat ng dam sa Luzon, ang Ipo, Ambuklao Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *