Derek Ramsay

Derek Ramsay at Joanne Villablanca, hiwalay na

Showbiz

Deretsahang inamin ng hunk actor na si Derek Ramsay na hiwalay na sila ng longtime girlfriend na si Joanne Villablanca.

Bagaman tumangging magbigay ng detalye si Derek sa dahilan ng kanilang break up ay tiniyak nito na “It’s all for the best.”.

Nais na lamang aniya na gawing pribado at sa pagitan na lamang nilang dalawa ang rason sa likod ng kanilang desisyong paghihiwalay.

Tumagal ng 6 na taon ang pagsasama nina Derek at Joanne kung saan maraming nag-akala na mauuwi ito sa kasalan matapos ihayag ni Derek ang umano’y pagpaplano nitong magpropose sa nobya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *