smartmatic

Pangulong Duterte, nais palitan ang Smartmatic

National News

Muling sumundot si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagnanais nitong mapalitan na ang Smartmatic bilang technology service provider sa susunod na halalan sa bansa.

Binanggit ito ni Pang. Duterte sa talumpati nito sa pagdiriwang ng Eid ‘l Fitr sa Davao City.

Sinabi ng pangulo na ni isang boto ay hindi dapat na maisakripisyo o masayang.

Binigyang diin ng pangulo, maghanap ng bagong technology provider na hindi aniya palpak para maging kapalit ng Smartmatic .

Biro nga ng Pangulong Duterte, baka mauwi pa sa gulo at patayan ang mga susunod na senaryo sa gitna ng sigaw ng mga kandidatong naniniwalang sila’y nanalo pero hindi sila ang naupo sa puwesto.

Una nang nabanggit ng pangulo ang tungkol sa pagnanais nitong mapalitan na ang Smartmatic noong isang linggo sa Tokyo, Japan na sinang-ayunan naman ng ilang mambabatas at poll watchdogs.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *