dialysis center

PhilHealth, nagsampa ng kaso laban sa dialysis center na sangkot sa “Ghost Dialysis Scheme”

Metro News

Nasampahan na ng administrative charges ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang isang dialysis center sa Quezon City na sangkot umano sa “Ghost Dialysis Scheme”.

Ito ang nilinaw ni Philhealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo sa panayam ng DZAR Sonshine Radio at SMNI News.

Giit ni Domingo, Nobyembre pa ng nakaraang taon nang sampahan ng mahigit 20 counts of admin cases ng PhilHealth ang Wellmed Dialysis and Laboratory Center dahil sa umano’y paniningil nito ng claims sa ahensya para sa mga patay na pasyente.

 “Naka-file na po kami ng mga 28 counts ng mga admin cases for non-admitting or non-treating patients, misrepresentation, furnishing false, incorrect information and (inaudible) against the mentioned dialysis center.”  —   Dr. Shirley Domingo

 Nag-file na din kami ng case against some of the professionals nila for possible involvement in the case.”

Ito ay mga November to December cases pa po ito last year at ngayon ay inimbestigahan po yan early this year.” — Dr. shirley Domingo

 Bukod aniya dito ay mayroong pang nasa mahigit 8,000 kaso ng hinihinalang “ghost claims” ang patuloy iniimbestigahan ng philhealth.

 “May cases at hand na iniimbestigahan ngayon, total pending nila as of September, almost, more than 8,000 po ang iniimbestigahan naming case.” –Dr. shirley Domingo

Pagtitiyak pa ni Domingo, hindi nila palalampasin ang mga kahalintulad na pananamantala sa pondo ng PhilHealth kaya’t nanawagan sila sa publiko na ireport ang anumang makitang anumalya.

 “Kaya ng po tayo humahabol sa mga fraudulent providers na ito para talagang ma-secure natin ang funds. Kaya tulungan kami ng mga members dyan, magsumbong sila. Actually maganda saamin yun para mahuli natin ang mga providers na nagco-commit ng fraud against us.” — Dr. shirley Domingo

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *