Coco Martin

Eddie Garcia, kritikal pa rin ang lagay matapos matumba at mawalan ng malay

Showbiz

KRITIKAL pa rin ang lagay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos matumba at mawalan ng malay sa gitna ng taping ng isang serye sa Tondo, Maynila noong Sabado.

Sa ngayon patuloy parin ang obserbasyon at recovery process ng 90-year-old actor sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Kasunod nito nilinaw ng kampo ni Eddie na hindi atake sa puso o stroke ang sanhi ng kondisyon ng aktor taliwas sa unang napabalita.

Anila base sa resulta ng tests na isinagawa kay Manoy, “severe cervical fracture” sa leeg o bali sa buto ang dahilan ng kalagayan nito.

Binisita din ito ng ilang kaibigan at kasamahan sa industriya katulad nina Senator-elect Bong Go at Bong Revilla, dating President Estrada, Philip Salvador at Robin Padilla.

Magugunitang noong Sabado nang kumalat sa social media ang mga larawan at video ng pag-collapse ng award winning actor habang nasa shooting ng isang TV series.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *