MMDA, ikinatuwa ang positibong pahayag ni Pangulong Duterte

Metro Manila Metro News

IPINANGAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging limang minuto na lamang ang oras ng biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati City.

Sa panayam kay Pangulong Duterte sa programa na “Give Us This Day” ni Pastor Apollo C. Quiboloy nitong weekend, sinabi nito na maaaring maging smooth sailing na ang daloy ng trapiko pagdating ng Disyembre ngayong taon.

Kaugnay nito, maituturing na isang marching order para sa mga ahensya ng gobyerno, lehislatibo at maging sa mga mamamayan ang pahayag ng pangulo.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay MMDA EDSA Manager Bong Nebrija, patunay lang ang naging pahayag ng pangulo na ang mga ginagawa nilang polisiya ay parte ng mas malaking plano para sa ikaluluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa ngayon, base sa google map ay nasa 47 minuto ang oras ng biyahe mula Cubao hanggang Makati depende pa ito sa daloy ng trapiko.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *