Pagkatalo ng Otso Diretso, hindi kasalanan nina Pangilinan at Belmonte

National News

NILINAW ni Vice President Leni Robredo, chairman ng Liberal Party, na hindi kasalanan nina Sen. Francis Pangilinan at Quezon City Rep. Christopher “Kit” Belmonte ang pagkatalo ng mga kandidato sa pagka-senador ng Otso Diretso sa May 2019 elections.

Sinabi ni Robredo, na maaring nagkaroon ng pagkukulang pero hindi umano ito kasalanan nina Pangilinan at Belmonte.

Matatandaan na pagkatapos ng halalan, ay nagbitiw sina Pangilinan at Belmonte bilang presidente at secretary general ng Liberal Party dahil sa umano’y pagkatalo ng kanilang mga senatorial candidates.

Subalit hindi tinangggap ni Robredo ang pagbibitiw ng dalawang mambabatas bilang mga opisyal ng LP.

Iginiit ng bise presidente, ang 2019 senatorial race ay hindi “total loss” para sa Otso Diretso.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *