economic war

Amerika, hindi ligtas sa economic war – Iran

International News

NAGBABALA si Iranian foreign minister Mohammad Javad Zarif noong Lunes na hindi ligtas ang Amerika sa economic war na dala ng US sanctions kabilang na ang mga sumusuporta dito.

Giit ni Zarif ay mababawasan lamang ang tensyon kung tatapusin ng Amerika ang namumuong economic war.

Noong Biyernes ay pinatawan ng US sanction ang pinakamalaking petrochemical company ng Iran dahil konektado umano ito sa Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC na kinikilalang teroristang grupo ng Washington.

Binalaan din ng Washington ang ilang mga bansa noong Mayo na itigil ang pag-aangkat ng Iranian oil at nagpadala ng US troops sa Middle East dahil umano sa bantang dala ng Iran sa mga US forces sa nasabing rehiyon.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng United Nations atomic watchdog na tumaas ang produksyon ng enriched uranium ng Iran na maaaring gamitin sa paggawa ng nuclear weapons.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *