Grab Ph

Dini-activate na Grab Ph drivers, maaari pa ring maibalik

National News

HUMARAP sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Grab Ph kaugnay sa deactivation ng 8,000 drivers nito.

Sa isinasagawang public hearing ng LTFRB, ipinaliwanag ni Grab Philippines President Brian Cu na dini-activate ng platform ang service units na hindi aktibo sa loob ng tatlong buwan.

Maaari naman aniyang ma-reactivate ang kanilang partners pero kinakailangan na muna aniya ng mga ito na sumailalim sa retraining.

Nilinaw din ni Cu na nasa 5,000 units lamang ang kanilang dini-activate kahapon mula sa unang inanunsyo na 8,000.

Ayon sa opisyal, nasa 3,000 ang nakapagsumite ng proof of documents sa kanilang system bago ang deadline.

Naging basehan din aniya nang deactivation ang bad reviews at walang humpay na reklamo laban sa mga driver o sa service units.

Bukod dito, ipinagpaliwanag din ng LTFRB ang Grab sa kabiguan nito na ipatupad ang 20% discount sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at mga estudyante.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *