large-scale estafa

Mga tiwaling opisyal ng PhilHeath, pakakasuhan ng large-scale estafa

Health National News

PINAPAKASUHAN ni Senior Citizen Party-List Rep. Francisco G. Datol sa Department of Justice ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. na nasa likod ng maanomalyang ghost dialysis claims ng large-scale estafa.

Ani Datol, malinaw na economic sabotage ang krimen na nagawa na dapat aniyang masampahan ng kasong large-scare estafa.

Duda naman ang mambabatas na P154 billion na perang sangkot sa fraudulent claims ng WellMed Dialysis Center dahil marami pa umanong mga kalokohan na nangyayari sa kagawaran.

Pinasalamatan din niya ang media sa pagsisiwalat ng mga kabulastugan sa PhilHealth.

Nauna nang pinaiimbestigahan ni Datol ang eye surgery anomalies sa ahensiya.

Kasabwat ang ilang PhilHealth officials, modus umano ng mga tiwaling doktor na kumumbinsi sa mga senior citizens na sumailalim sa operasyon sa mata kahit di naman kailangan para lamang makakulimbat ng pondo sa PhilHealth.

Naging sanhi ito ng pagkabulag ng ilang kawawang seniors.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *