MMDA, nagsagawa ng programa at serbisyo para sa Araw ng Kalayaan

Metro News

NAGSASAGAWA ng programa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Rizal Park sa Maynila para sa pagbubukas ng mga pampamahalaang programa at serbisyo.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 st Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12.

Ang naturang programa ay isinagawa upang i-showcase ang mga bagong polisiya, programa at bagong equipment ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Makikita dito na nakahanda na ang mga booth ng kada ahensya ng pamahalaan maging ng mga private agency para sa pagbibigay serbisyo sa mamamayang Pilipino kasabay ng araw ng kasarinlan.

Panauhing pandangal naman si MMDA Chairman Danilo Lim sa nasabing programa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *