Metro Manila

NDRRMC, pinaghahandaan na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa

National News

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa papalapit na panahon ng tag-ulan sa bansa.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga Local Government Unit (LGU) upang ibahagi sa mga mamamayan ang mga kaalaman hinggil sa paghahanda sa mga panahon ng sakuna dulot ng natural calamity.

Ayon kay Posadas, nakikipagtulungan din sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maipatayo ang mga evacuation centers at emergency operation center sa bawat rehiyon ng bansa.

Maliban dito, nakikipag-ugnayan din sila sa mga communication companies at maging sa radyo at TV upang ipaabot early warning messages sa lahat ng mga mamamayan lalong lalo na sa mga lugar na maybanta ang sama ng panahon.

Samantala, maliban sa NDRRMC, pinapaigting na din ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang preparedness, prevention and natigation bilang paghahanda sa natural calamity.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *