Sara Duterte

Pangulong Duterte, hindi hihimukin ang anak nitong si Sara Duterte na tumakbo sa 2022 presidential election

National News

HINDI hihimukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 presidential election.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa ekslusibong panayam dito sa programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Sabado.

Sinabi ng pangulo, hindi sulit ang hirap na dadanasin nito sa kabila ng karangalan na dala ng nasabing posisyon.

Dagdag pa ng nakatatandang Duterte, mas mabuti pang magtuloy na lang ang presidential daughter sa paglilingkod sa lungsod ng Davao.

Gayunman, wala naman itong magagawa kung mismong taumbayan ang hihimok at magluloklok dito sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *