Philippine ID System

Pilot implementation ng Philippine ID System, sisimulan na

National News

MAGSISIMULA nang ipatupad ang Philippine ID System sa bansa.

Ito ang iniulat ni NEDA Secretary Ernesto Pernia at ang bagong itinalagang National Statistician Dennis Mapa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang cabinet meeting nitong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo magsisimula na ang pilot testing ng Philippine National ID ngayong Setyembre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Target ng pamahalaan na sa taong 2022 kung kailan magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte nasa 107 milyong Pilipino na ang marerehistro.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *