4 na governatorial candidates, hiniling sa Comelec na

Regional

HINILING sa Commission on Elections (Comelec) ng 4 na kandidato sa pagka-gobernador at ilang kandidato sa pagka-alkalde sa Lanao Del Sur na ipawalang bisa ang resulta ng halalan noong May 13, 2019.

Kabilang sa dumulog sa Comelec sina Hatta Dimaporo, agakhan benladen Sarief, Sultan Bob Datimbang at Atty. Gene Mamodiong.

Pinadedeklara sa Comelec ng 4 na kandidato sa pagka-gobernador ang failure of election sa lanao del sur.

Nanawagan din ang mga ito sa Comelec at imbestigahan at kasuhan ang mga nasa likod ng pandaraya na nagresulta sa kuwestiyonableng proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Iginiit din ng mga ito na nagkaroon ng vote buying, pre shading ng mga balota, terorismo at karahasan dahilan kaya nasira ang resulta ng eleksiyon.

Umapela din ang apat na kandidato kay Pangulong Rodrigo Duterte na makialam sa umano’y malalang iregularidad sa halalan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *