dengue kits

Dating Health Sec. Janette Garin, ibinunyag ang iba pang fraudulent claims sa PhilHealth

National News

IBINUNYAG ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin na hindi lamang dialysis ang may ghost patients.

Sa press conference kaugnay sa PhilHealth fraudulent claims, sinabi ni garin na marami ring ghost patients sa katarata maging sa dengue.

Umiiral din aniya ang mafia at pulitika sa PhilHealth.

Ayon kay Garin, naging virus na ang fraud sa korporasyon at wala na itong gamot.

Sinabi ng dating kalihim na kagaya nang mga “pogi statement” ng mga sumunod sa kanyang PhilHealth official ay lahat ng mahihirap libre ang gamot, libre ang consultation at ito aniya ang daan para mangyari uli ang mga panloloko sa PhilHealth.

Samantala, pinuri ni Garin si Pangulong Rodrigo Duterte sa nais nito na ayusin ang PhilHealth pero dapat aniya ay tuloy-tuloy na ito.

Umapela naman si Garin sa kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque III na i-take over ang PhilHealth kasunod ng fraudulent claims.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *