Libu-libong trabaho, inialok sa mga manggagawang Pinoy kasabay ng selebrasyon ng ika-121 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

National News

KASABAY ng selebrasyon ng ika-121 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong araw, nasa halos 70,000 trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa sa ilalim ng 2019 kalayaan job and business fair.

Sabay-sabay na nagbukas para sa mga job applicant ang 22 job fair sites ng DOLE sa buong bansa.

Nasa 51,048 trabaho ang alok sa lokal habang nasa 17,845 trabaho naman para sa ibayong-dagat.

Kabuuang 560 employer naman ang nakilahok sa naturang job fair
kabilang sa mga trabahong alok sa lokal ay para sa production machine operators, production worker/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, cashiers, delivery crew, service crew, at marketing officers.

Mga pangunahing bakanteng trabaho naman para sa ibang bansa ang cleaners, professional nurses (general), waiters/waitresses, service crew, company drivers, registered midwife, staff nurse, english teachers (Japan), janitress, barista, technicians (general), at nursing aides para sa bansang Germany, Japan, Bahrain, at Kingdom of Saudi Arabia.

magtatapos naman ang job fair mamayang hapon.

Ulat ni: James Luis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *