Impeachment Complaint

Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan sa publiko na lasapin at pag-ingatan ang tinatamasang kalayaan ng bansa

National News

KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte ng sambayanang Filipino sa pagkilala sa naging sakripisyo ng mga ninuno para lamang matamasa ang kalayaan ng Pilipinas.

Sa mensahe ng pangulo ngayong paggunita ng ika-121 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, hinimok nito ang publiko na lasapin at pag-ingatan ang tinatamasang kalayaan ng bansa.

Ayon sa pangulo, ang araw ng kalayaan ang pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

Hindi lamang aniya nito natuldukan ang mahigit tatlong siglo ng pagiging sunud-sunuran sa mga dayuhan kundi higit sa lahat ay natagpuan ng mga Filipino ang tamang direksyon tungo sa kalayaan.

Malaki rin aniya ang naging kabayaran kapalit ng kalayaan ng bansa dahil naging katumbas nito ay ang pawis at dugo ng mga bayani at martyrs.

Dahil dito, panawagan ng punong ehekutibo sa lahat na pag-ingatan ang mga sakripisyong kanilang inialay at tiyaking hindi ito mapupunta lang sa wala.

Dagdag pa nito na marapat lamang na makamit natin ngayon ang pangarap ng mga ninuno para sa malayang Pilipinas kung saan malayang nakapamumuhay sa isang ligtas, matatag at masaganang lipunan ang bawat Filipino.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *