KAPA

Samu’t saring mga dokumento ang nasamsam sa mga tanggapan ng KAPA Ministry

National News

PATULOY na binabantayan ng pambansang pulisya ang aktibidad ng KAPA Community Ministry International Incorporated na nasasangkot sa umano’y multi-bilyong pisong investment scam.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, hinikayat ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac ang mga nabiktima ng umano’y investment scam  na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya o ng National Bureau of Investigation (NBI).

Inaalam na rin ng PNP kung mga tauhan sila na sumali o nabiktima ng KAPA.

Sa isinagawang raid ng pulisya at NBI sa tanggapan ng kapa sa bayan ng Compostela sa Northern Cebu, nakuha ang samu’t saring mga dokumento na magpapakita ng umano’y operasyon ng grupo.

Ang raid ay kasunod na rin ng cease and disease order ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon kay Banac, hindi rehistrado ang kapa na tumanggap ng investment.

Sa ngayon ay wala pang warrant of arrest laban sa founder ng KAPA na si Joel Apolinario.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga opisyal ng grupo kasunod na rin ng mga natanggap nitong reklamo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *