Cuba Gooding Jr.

Actor na si Cuba Gooding Jr., nahaharap sa kasong sexual abuse

Showbiz

ISANG sexual misconduct issue ang kinahaharap ngayon ng Hollywood actor na si Cuba Gooding Jr.

Ito ay matapos maghain ng police complaint kaugnay ng sexual abuse laban sa aktor ang isang 29-year-old na babae mula sa New York City.

Boluntaryo namang sumuko si Cuba sa New York Police District matapos sampahan ng 3rd degree sexual abuse.

Akusa ng biktima ng aktor, pwersahang hinawakan umano ni Cuba ang kaniyang dibdib habang sila’y nasa isang bar sa Manhattan.

Bagay na mariing pinabulaan ni Oscar Award winning actor.

Agad di namang pinalaya sa kustodiya ng mga pulis ang aktor at nakatakdang muling humarap sa korte sa June 26.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *