Alert level 2

Alert level 2, itinaas sa Sudan dahil sa kaguluhan ng bansa

International News

ITINAAS na sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Sudan kasunod ng nagaganap na kaguluhan doon partikular na sa Khartoum at iba pang lugar dito.

Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaabisuhan ang mga Pilipino na huwag magbiyahe sa nasabing bansa.

Ang mga Pilipino naman na nananatili sa nasabing bansa ay pinapayuhan na umiwas sa mga pampublikong lugar na may mga kaguluhan at maghanda para sa paglikas.

Sa parte ng Department of Labor and Employment, papayagan lamang nila ang pagbabalik ng mga OFW sa Sudan kung mayroon silang umiiral na employment contracts at may konsiderasyon sa iba pang special circumstances.

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pinoy sa Sudan na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt at Philippine Honorary Consul sa Khartoum.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *