Burj Khalifa

Burj Khalifa, itinampok ang bandila ng Pilipinas

International News

KASABAY ng pagdaos ng ika-121 isang Araw ng Kalayaan, pina-ilawan ang buong gusali ng Burj Khalifa ng Bandila ng Pilipinas nito lamang Huwebes.

Marami sa ating mga kababayan na naninirahan sa Dubai ang pumunta sa Burj Khalifa upang makita ang display ng Bandila ng Pilipinas sa buong gusali sa kauna-unahang pagkakataon.

Kasalukuyang nasa, 750, 000 Filipino expats ang nasa Dubai sa kasalukuyan.

Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes ng Philippine Consulate sa Dubai, ang okasyon na ito ay nagpapakita ng kaligayahan at karangalan ng Filipino community sa United Arab Emirates, at ipinapakita rin umano nito na ang UAE ay isang multi-cultural country at tinatanggap nito ang iba’t ibang mga komunidad sa bansa.

Dagdag ni Cortes na isang imagine light show rin ang idadaos ng Dubai Festival City Mall para gunitain rin ang Philippine Independence Day at bilang pagkilala narin sa Filipino community sa Dubai. Ang naturang display ay nagsimula nitong Huwebes at magtatagal hanggang June 15.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *