Saudi Arabia

DFA, tiniyak na walang Pinoy ang nadamay sa missile attack sa Saudi Arabia

International News

WALANG Pilipino ang nadamay sa nangyaring missile attack na tumama sa Abha International Airport sa Saudi Arabia kahapon o June 12.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs kasabay na rin ng paalala sa mga Pilipino doon ang ibayong pag-iingat.

Ayon sa DFA kasama ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate sa Jeddah ay pinapayuhan ang mga Filipino community sa Saudi Arabia ang dobleng pag iingat at maging mapagbantay sa kapaligiran at sumunod sa anumang patakaran hingil sa seguridad na ipinatutupad.

Matatandaan umabot sa 26 na katao ang nasugatan habang labing walo naman nagtamo ng bahagyang sugat at walo dito ay dinala sa ospital matapos ang nangyaring insidente sa nasabing airport.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *