Lanao del Sur

Ilang kandidato na natalo sa Lanao del Sur, humihingi ng hustisya

Regional

NANAWAGAN ng hustisya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidatong natalo sa Lanao del Sur dahil sa umano’y nangyaring dayaan sa katatapos lamang na 2019 midterm election.

Ayon kay dating TESDA Secretary Atty. Guiling “Gene” Ampang Mamondiong, nanawagan sila sa pangulo para ipawalang-bisa ang resulta ng eleksyon sa Lanao, gayundin ang pagpapa-disqualify sa nanalong governador ng lalawigan na si Mamintal “Bombit” Adiong.

Sinabi ni Mamondiong na maraming residente ang magpapatunay na nagkaroon ng vote buying, lantarang pre-shading ng mga balota at karahasan sa probinsiya.

Iginigiit din ni Mamondiong na bago pa man ang eleksyon ay bumabaha na ng pera sa lalawigan ng Lanao del Sur na ipinamamahagi ng mga grupo ni Adiong.

Aniya, umaabot sa anim na libo pataas ang bilihan ng boto sa grupo ni Adiong.

Nagsasagawa na rin ang grupo ng caravan na sinimulan sa Lanao, Marawi at magtutungo sa Metro Manila.

Nitong Hunyo 11 ay ipinagpaliban ng Comelec en banc ang unang pagdinig sa inihaing petisyon ng mga natalong kandidato at muli itong itutuloy sa Hulyo 2.

Ulat ni :  CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *