ghost dialysis claims

Pagpapanagot sa mga sangkot sa ghost dialysis claims, pinamamadali

National News

PINAMAMADALI ngayon ni House Assistant Majority Leader Marlyn Alonte-Naguiat sa National Bureau of Investigation at Commission on Audit ang imbestigasyon upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga indibidwal na sangkot sa ghost dialysis claims.

Ayon kay Alonte- Naguiat, ito’y para matukoy na ang pananagutan at mga kasong maaring isampa laban sa mga opisyal WellMed Dialysis Center at para malaman din ang mga kasabwat sa alegasyon sa Philippine Health Insurance Corporation.

Sa pamamagitan aniya ng kooperasyon ng NBI at COA ay magiging mabilis ang pangangalap ng ebidensya at pagtukoy sa mga taong nasa likod ng anomalya.

Paliwanag ng kongresista, dapat magsagawa ng statistical analysis ang NBI ng mga naprosesong claims sa tulong ng COA na magsasagawa naman ng quick special audit para masilip kung may kaduda-dudang pattern at statistical anomalies sa records ng PhilHealth.

Pangamba pa ni Naguiat, madaling sirain ang records sa PhilHealth kaya kinalampag nito ang COA na ilabas na ang annual audit report ng Department of Health noong 2018.

Samantala, pinasususpinde naman niya kay Health Secretary Francisco Duque III ang operasyon ng dialysis center habang ang mga pasyente ay pinalilipat sa National Kidney and Transplant Institute.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *