Vietnam at Taiwan

Pakikipag-alyansa sa Vietnam at Taiwan, ipinanawagan

National News

NANAWAGAN ngayon si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng alyansa sa Vietnam at Taiwan para labanan ang pang-aabuso ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Zarate, panahon na para magkaroon ng alyansa sa dalawang bansa na kilala sa paglaban at pagiit ng kanilang karapatan sa WPS laban sa pambu-bully ng China.

Aniya, panahon na upang ikonsidera ni Pangulong Duterte na bawiin ang pakikipagkaibigan sa China dahil sa patuloy na pang-aabuso nito sa mga mangingisdang Pinoy.

Matatandaan na kinondena ng pamahalaan ang paglubog ng isang bangkang pangisda ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto na umanoy kagagawan ng China.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *