Pangulong Duterte

Pangulong Duterte walang karapatan na ipasara ang KAPA – Trillanes

National News

BINATIKOS ni Senador Antonio Trillanes III ang pahayag ni Pangulong Duterte na pagpapasara sa Kabos Padatuon o mas kilala bilang KAPA na tinagurian ngayun bilang pinakamalaking syndicated estafa sa bansa.

Paliwanag ni Trillanes na kung totoo ang impormasyon na registered ang KAPA sa SEC bilang isang religious organization at ang sinasabing “investment” ay nakasaad sa mga dokumento bilang “donation,” ay walang karapatan at kapangyarihan si Duterte at ang gobyerno na pigilan ito dahil sa Constitutional Guarantee of Religious Freedom.

Ipinunto ni Trillanes na karapatan ng isang miyembro na i-donate kahit lahat ng kanyang pera sa kanyang simbahan. Kahit wala itong resibo at hindi ito pwede buwisan.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ni Trillanes na sakaling hindi bumalik ang pera ng mga myembro, ay hindi sila pwedeng magreklamo dahil nga, simula’t sapul ito ay kanilang “donation” sa kanilang simbahan.

Sinabi din ni Trillanes na kung totoo ang impormasyon na walang private complainants ng estafa laban sa mga lider ng KAPA, hindi pwedeng mag-file ang gobyerno ng kasong syndicated estafa laban sa mga ito.

Ulat ni : TROY GOMEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *