Chinese fishing vessel

PCG, mag-iimbestiga sa Chinese fishing vessel kaugnay sa insidente sa WPS

National News

NAGSASAGAWA na ng malaliman imbestigasyon ang Philippine Coast Guard kaugnay sa insidente ng pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippines Sea.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, hinihintay na lamang na makabalik sa Mindoro ang 22 mangingisda na nailigtas ng mga crew ng Vietnamese vessel.

Aalamin aniya kung sadyang binangga ng Chinese vessel ang bangka ng mga Pilipino.

Nilinaw ni Balilo na sa sandaling matapos ang imbestigasyon ng PCG ay saka lamang matutukoy kung ano ang kasong posibleng kaharapin ng bumanggang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy.

Samantala, nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang 22 mangingisdang Pinoy at nakita na rin ng PCG ang lumubog na bangka.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *