Manny Pacquiao

Sen. Pacquaio, todo ensayo na sa nalalapit na laban kay Thurman

Sports

SUMAILALIM ngayon sa matinding ensayo si reigning World Boxing Association (WBA) regular Welterweight Champion Senator Manny Pacquiao para sa nalalapit na laban kay Keith Thurman.

Gaganapin ang malaking laban ngayong Hulyo 21 (oras sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Dalawang sparring mates na ang kasalamuha ng mambabatas sa training camp.

Nadagdag si French lightweigh3t Jaber Zayani bilang sparring mate ng eight-division world champion upang mas lalo pang palakasin ang suntok at pabilisin ang footwork ni Pacquiao.

Agad na sumalang si Za­Yani sa sparring kasama si Pacquiao sa Elorde Boxing Gym sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

At agad nitong naramdaman ang matinding puwersa sa kamao ng Pinoy champion.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *