Toronto Raptors

Toronto Raptors, matagumpay sa kanilang unang kampeonato sa NBA

Sports

GUMAWA ng bagong marka sa kasaysayan ng NBA ang koponan ng Toronto Raptors matapos masungkit ang kanilang kauna-unahang kampeonato.

Matagumpay na tinapos ng Raptors ang Game 6 ng Best-of-Seven game series kontra sa defending champion na Golden State Warriors sa score na 114-110.

Sinigurado ng Toronto ang paghahari nila sa NBA Finals matapos manguna sa game 2, 3, 4 at 6.

Nanguna naman para sa panalo ng Raptors ang star player na si Kyle Lowry at Paskal Siakam na kumamada ng tig-26 points.

Tumulong din sa panalo ng Toronto ang mga player na sina Kawhi Loenard na may 22 points.

Una namang ginulat ng Toronto Raptors ang lahat ng NBA fans, matapos makapasok ito sa unang pagkakataon sa NBA championship stage nang magwagi sa Eastern Conference Finals kontra sa Milwaukee Bucks.

Sa ngayon nga ay napatumba na ng Toronto Raptors ang 3-peat championship dynasty sa loob ng apat na season ng Golden State Warriors sa NBA Finals.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *