2 suspek sa pagpatay sa piskal sa Oriental Mindoro, patay sa engkwentro

Regional

PATAY ang 2 suspek sa pananambang kay Provincial Prosecutor Josephine Caranzo Olivar sa Calapan, Oriental Mindoro matapos makaengkuwentro ang mga pulis.

Ayon sa pulisya, natunton nila ang kinaroroonan ng mga salarin sa Barangay Sapul nang bigla na lamang sila paputukan. Nabati na nasa sasakyan si Olivar nang barilin ng mga salarin nitong Hunyo 10.

Nakaligtas ang piskal sa kabila ng tama ng bala sa ulo at katawan. Una nang bumuo ng Special Investigation Task Group ang pulisya sa Oriental Mindoro kaugnay ng pananambang kay Olivar.

Ulat ni: Bernard Ferrer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *