2 terorista na iniuugnay sa Marawi Siege, naaresto ng PNP

National News

ARESTADO ang dalawang (2) terorista na iniuugnay sa Daulah Islamiyah. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinilala ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang mga suspek na sina Arnel Flores Cabintoy at Feliciano Mañas Sulayao na naaresto sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Albayalde, inaalam pa kung may planong panggugulo ang dalawa sa Metro Manila.

Nabati na ang mga suspek ay kabilang sa “support groups” sa kasagsagan ng Marawi Siege noong 2017. Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal possession of explosives.

Ulat ni: Bernard Ferrer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *