9 na mga bagong ruta ng RoRo, nakatakdang buksan

National News

NAKATAKDANG buksan ngayong taon ang siyam (9) na mga bagong ruta ng Roll on-Roll off vessel o RoRo sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ito ang nakuhang impormasyon ni outgoing House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagbisita nito sa dalawang pier sa Cebu na aniya’y bunga ng mga oversight functions ng kamara sa ilalim ng liderato ng dating pangulo.

Dahil diyan ay nagpahayag ng kagalakan ang house speaker dahil sa panahon niya bilang lider ng kamara, naibalik ang dating sigla ng Roro industry na umanoy nawala sa panahon ng Aquino Adminstration.

Ayon sa Maritime Industry Authority o MARINA, kabuuang 19 na mga bagong ruta ng Roro ang naipatayo ngayong taon, habang may 15 pang ruta ang naghihintay ng approval para sa route service.

Sa ngayon ay nasa 140 Roro routes ang gumagana sa buong pilipinas na nagbibigay serbisyo sa milyon-milyong pasahero at cargo handlers.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *