Bella Thorne, nabiktima ng online hacker

Showbiz

NAPILITANG maglabas ng maseselang larawan sa social media ang Hollywood actress na si Bella Thorne.

Ito ay matapos makaranas ang dating Disney star ng pagbabanta mula sa isang computer hacker.

Say ni Bella, halos isang buong araw siyang tinakot ng hindi pa nakikilalang hacker na ilalabas ang mga sensitibong larawan mula sa kaniyang computer kaya naman nagdesisyon na lamang siya na mismo ang mag-post nito kaysa ibang tao.

Hinala pa ng aktres, menor-de-edad ang kaniyang hacker kaya’t hanggang maaari ay nais niya itong intindihin.

Ipinahayag din ni Bella ang kaniyang pagkabalisa dahil sa pakiramdam na tila laging may nagbabantay sa kaniyang galaw.

Kasunod nito ay inilabas ng aktres ang palitan ng text messages nila ng naturang hacker kasama ang mobile number nito upang mabalaan ang kaniyang mga fans.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *