Isa pang kompanya ng investment scheme, pansamantalang itinigil ang operasyon

National News

ISA pang kompanya sa Davao City ang pinatigil ang operasyon kasunod ng pagputok ng isyu sa investment scam ng Kapa Community Ministry International, Inc.

Ito ay matapos ilabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Cease and Desist Order (CDO) laban sa Rigen Marketing na pagmamay-ari ng isang John Rigen.

Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na ipatigil ang operasyon ng lahat ng pinaghihinalaang pyramiding investment scam na nag-aalok ng malaking interes.

Mayo ng taong kasalukuyan nang maglabas ang SEC ng CDO laban sa rigen matapos ituring na “fraudulent investment scheme” ng ahensya.

Maliban sa Tagum City, Davao Del Norte na opisina ng rigen, mayroon din itong branches sa iba pang lalawigan sa Mindanao.

Nabatid na nag-aalok ito sa mga investors ng 400% na tubo sa loob ng 30 araw.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *