Kumpanyang Shell at Petro Gazz, nag-anunsyo na ng oil price hike bukas

National News

KASUNOD ng tatlong linggong sunod-sunod na rollback, magpapatupad naman ng taas-presyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Sa anunsyo ng kumpanyang shell, nasa 35 sentimos ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa 20 sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang 25 sentimos sa kada litro ng kerosene.

May kaparehong taas-presyo rin ang Petro Gazz at Sea Oil sa kanilang gasolina at diesel.

Epektibo ang oil price hike alas-6 ng umaga bukas. Inaasahang sunod-sunod na ring mag-aanunsyo ang iba pang kumpanya ng kanilang oil price adjustment ngayong araw.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *