Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, itinalaga bilang bagong Interim National Executive Vice President ng ruling party PDP-Laban

National News

ITINALAGA ng ruling party PDP-Laban si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales bilang bagong Interim National Executive Vice President ng partido mula sa dating posisyon nito na Regional President for Central Luzon at Deputy National Campaign Manager noong nagdaang 2019 mid-term elections.

Dahil dito, kakatawanin ni Gonzales ang liderato ng PDP sa panahon na wala ang presidente ng partido pati narin ang pagpe-preside sa mga meeting ng grupo.

Itinanggi naman ni Gonzales na ang appointment sa kaniya ay senyales ng pagsuporta ng partido sa kaniyang pagtakbo bilang House Speaker sa 18th Congress.

Ani Gonzales, wala pang desisyon ang ruling party sa kung sino kanila nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang manok ng partido sa speakership race.

Dagdag pa ng kongresista, inaaabangan nila ang opisyal na desisyon ng PDP na maaring ilabas anomang araw ngayong linggong ito.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *