Impeachment Complaint

Pananahimik ni PRRD sa isyu ng Chinese Vessel sa WPS, suportado ni SGMA

National News

SUPORTADO ni House Speaker Gloria Mapacapagal Arroyo (SGMA) ang pananahimik ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa isyu ng pagbangga at pag-abandona ng isang Chinese vessel sa barkong sinakyan ng 22 mangingisdang pinoy sa West Philippine Sea.

Ayon kay Arroyo, tama ang ginagawang approach ng punong ehekutibo sa isyu lalo pat may bilateral agreement ang Pilipinas sa China.

Ani Arroyo, kinakailangang pag-ingatan ng pangulo ang kaniyang magiging pahayag sa isyu dahil sa mas malapit ngayon sa gobyerno ng Pilipinas si Chinese President Xi Jinping.

Kilala naman si Arroyo bilang masugid na tagasuporta Chinese government at pinaigting pa ang diplomatic ties nila noon sa Beijing.

Hanggang sa ngayon ay wala pang anomang pahayag ang laban hinggil sa isyu bamagat naghain na ng protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *