20 miyembro at tagasuporta ng NPA sa Surigao del Sur, sumuko

Regional

20 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Bislig City, Surigao del Sur.

Ayon kay Lieutenant Colonel Jaime Datuin, Commander ng 75th Infantry Battalion, minam na sumuko ng maayos ang mga rebelde upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at upang makapagsimula na sila ng bagong buhay.

Isinuko rin ng mga rebelde ang dalawampu’t siyam na iba’t armas kabilang ang CZ858 rifles, M16A1, M14 rifle, AK47 rifles, caliber .45 pistol, caliber .38 revolver pistol, caliber .30, caliber .22 at improvised shotguns.

Gayundin ang iba’t ibang sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED).

Sasailalim sa debriefing ang mga sumuko para sa kanilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Simula Enero 2019, umabot na sa 395 na mga miyembro at tagasuporta ng NPA ang sumuko sa militar sa Surigao del Sur.

Ulat ni: Bernard Ferrer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *