Pag-abandona ng Chinese vessel sa mga Pinoy sa karagatan, dapat tutukan – Drilon

National News

NILINAW ni Minority Leader Senator Franklin Drilon na hindi isyu kung aksidente o hindi ang nangyaring banggaan ng dalawang vessel sa Recto Bank noong June 9.

Ayon kay Drilon, ang dapat pag usapan at tutukan ng pamahalaan ay ang ginawang pag-abandona ng Chinese vessel sa fishing boat matapos itong lumubog dahil sa banggaan.

Paliwanag ng senador na malinaw na nilabag ng Chinese vessel ang United Nations Convention on the Law of the Sea na tulungan ang sinuman na nasa distress na kalagayan sa karagatan.

Isa ring malaking kasinungalingan ayon sa mambabatas ang pahayag ng Chinese Embassy na tinangkang tulungan ng Chinese vessel ang mga Pinoy pero umatras ng makitang susugurin sila ng pito o walong  fishing boats ng mga Pilipino na naroon din sa binisidad.

Aniya, hindi na kakailanganin pang sagipin ng mga Vietnamese ang mga pinoy kung naroon ang mga fishing boat na sinasabi ng China.

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *