DOTr, nakipagpulong sa ilang ahensya ng gobyerno kaugnay sa traffic flow sa EDSA

Metro Manila

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga opisyal ng ilang ahensya ng pamahalaan.

Kasama ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa meeting ang mga opisyal ng PNP-HPG, MMDA, LTFRB, LTO at I-Act.

Ang pagpupulong ay nakasentro sa policy directions para sa Task Force Cubma (Cubao-Makati) na pinamumunuan ni LTFRB Board Member and Former HPG Chief Antonio Gardiola.

Napag-usapan din ang mga stratehiya para sa implementasyon ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ibayuhin ang traffic flow sa Edsa.

Tinukoy din dito ang short to medium-term na mga panukala para makamit ang minimithi pagdating sa improvement ng daloy ng trapiko.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *