Filipino seafarers

Filipino seafarers, tiniyak na ligtas mula sa nangyaring pag-atake sa Oman

National News

WALANG pinsala at nasa mabuting kalagayan ngayon ang nasa mahigit 30 Filipino seafarers sa United Arab Emirates matapos ang pag atake sa dalawang oil tankers sa Gulf of Oman nito lamang Huwebes, June 13.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn M. Quintana kungsaan hiwalay itong nakipagkita at nakipagpulong sa 21 Pinoy seafarer sa Mt. Front Altair at sa 11 Pinoy seaman sa MT Kokuka Courageous.

Sa kasalukuyan, tinitingan na rin ng kanilang manning agency ang kondisyon ng mga marino at sa kanilang pag-aasikaso pabalik ng Pilipinas.

Matatandaan una ng sinisi ni US Secretary of State Mike Pompeo ang Iran dahil sa “unprovoked attacks” nito sa dalawang nabanggit na oil tankers.

Napag-alaman din na dose-dosenang mga crew members ang nasagip mula sa Kokuka Courageous na pag-aari ng Japan at ng Front Altair ng Norway.

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *